Wednesday, April 4, 2012

Liwanag...

Source: Dallas Arts Revue
Sa dulo ng gubat na 'yong tinatahak
Natatanaw mo na ba?
Ayun ang liwanag,
nakakasilaw..
nakakabulag..

(Continue after jump.)



Sa paligid ng kadiliman,
sari-saring nilalang doo'y naninirahan.
Ika'y mag-ingat,
Huwag magpapalinlang,
Sapagkat lahat nagnanais makapanlamang.

Malayo pa ang daan.
Iba't ibang balakid iyong mararanasan
at sa paglalakbay iyong makikita,
Mga hiyena'y nagtatawanan,
Mga buwaya'y nagkalat.. gahaman.

Lahat nagnanais makarating sa paroroonan,
Kaya magtiwala sa iba'y iyong ipagpaliban.
Sa mundong ginagalawan,
Tuyong dahon nagkalat... ika'y sasaluhan,
Ngunit iyong pakatandaan,
Sarili mo lang ang 'yong tunay na kaibigan.

Ang sangkatauhan, kabaitan man ang iparamdam
Tiyak sa dulo'y magpapaalam.
Pag ika'y wala ng karangyaan,
Pag lumiban na ang kasikatan,
Lahat ay muling estranghero,
Tulad ng sinimulan.

Sa dulo ng gubat na 'yong tinatahak
Natatanaw mo na ba?
Marahil hindi pa...
Sapagkat ika'y bulag pa sa pagtitiwala sa kanila.


-GS4412

No comments:

Post a Comment